Angelica, walang kinalaman sa split-up nina John Lloyd, Shaina!

LUMALABAS ngayon ang kasagutan na walang kinalaman si Angelica Panganiban sa split-up nina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao. Mas nauna raw nag-break sina JL at Shaina bago pa nagkalabuan sina Derek at Angelica.

May official statement si Shaina tungkol sa real score ng relasyon nila ni LLoydie.

“To end all speculations, I confirm that John Lloyd and I have agreed to end our relationship. The reason is purely between John Lloyd and myself. I most humbly request everyone to allow us to move on with our respective lives with mutual respect and dignity.”

Si Derek Ramsay naman ay panay ang pagtatanggol kay Angel at nagsalita na rin sa hiwalayan isyu.

“We are in a cool-off stage. We’re giving each other space,” deklara niya.

Sinasabi rin niya na walang third party involved.

“I trust her completely. She’s not the type to fool around.”

“If things go well, okay. But if not, she will always be my friend,” sambit pa ng hunk actor.

-0o0-

NANINIWALA si Congressman Jack Enrile na si Mang Dolphy muna ang dapat tumanggap ng National Artist kung pamimiliin siya kina Nora Aunor, Vilma Santos at Pidol nga.

Naniniwala rin siya na kailangan ng kaunting tulak para maiangat muli ang industriya natin ng entertainment. Dapat daw yearly ay may mapiling National Artist para sa local entertainment.

Tamaaah!

-0o0-

NAKATANGGAP ng text si Tita Becky Aguila sa alaga niyang si Neil Coleta. Kung hindi raw sa magaling na manager ay hindi siya makapagpupundar ng sasakyan at ngayon naman ay two-bedroom condo unit sa Pasig.

Pero iniintriga ang tinaguriang “Nestea Boy” na baka raw regalo ‘yun ng isang gay benefactor.

“Ha? Walang gay benefactor. Ako lang! Ipon ko yun, ‘no! Pinagtrabahuhan ko,” paglilinaw niya nang makatsikahan namin siya sa presscon ng fantaserye ng Dos na Aryana na magsisimula sa May 7.

Tatlong taon na siyang independent. Baka naman nagdadala siya ng babae sa bago niyang condo?

“Hindi. Kahit itanong n’yo sa guard, wala!” sabay tawa ng young actor.

Single ba siya ngayon?

“Oo. Tama lang na single muna para mas makapag-focus sa trabaho.

“Wala muna kasi ang dami kong gastos ngayon, e. Binabayaran ko ang condo ko. Pagdating ng August, ang laki ng babayaran ko lalo. Kailangan kong mag-ipon.

“Nagbayad na ako ng 20 percent sa condo—3.5 million [pesos] ang halaga no’n, e. Fifty-three square meters yun… sobrang laki! At saka sarili kong design. Ultimo appliances, ako ang namili, pati mga frames.

“Nagpa-interior ako pero ako ang nag-design kaya tama lang muna na walang girlfriend dahil marami akong gastos. After ng condo, sunod na plano ko ay bahay naman sa Cavite. After ng kotse ko, dapat bahay naman sa Cavite,” sey pa niya.

‘Yun na!

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply