Annabelle Rama kinasuhan ni Boy Asistio

PORMAL na naghain ng reklamong libelo at unjust vexation si dating Caloocan City Mayor Boy Asistio Jr., laban kay Annabelle Rama sa Caloocan City Prosecutor’s Office, kahapon (Mayo 15).

Ayon sa ulat sa telebisyon, ang kaso ay kaugnay sa naging pahayag ni Annabelle tungkol sa dating mayor at sa mga anak nito.

Ganito umano ang pahayag ni Rama: “Alyanna was raped by her father Boy Asistio when she was 10 and Anykka had STD.”

Ani Boy, ayaw na sana niyang makisali sa away ng kanyang misis na si Nadia Montenegro at Annabelle Rama ngunit nadamay na umano ang kanyang mga anak at ang pamilya Asistio.

Aniya ang naging pahayag ni Rama ay mapanira.

Dagdag pa ni Boy, sana makulong na ang talent manager para hindi na makadaldal pa.

Sa Twitter naman nagposte ng kanyang mensahe si Annabelle:  “No comment ako sa mga nagdedemanda d’yan. Busy ang beauty ko sa meetings para sa shows ng mga alaga ko. Kakatapos lang ng meeting ko with ABS-CBN.”

Saan kaya hahantong ang awayang ito?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply