‘Ano ang kasalanan ko sa bayan?’ – Corona

SA pagsalang ni Chief Justice Renato Corona sa witness stand sa pagpapatuloy ng impeachment trial ay agad nitong ipinahayag na ang nasabing paglilitis ay hindi dahil sa isyu ng katiwalian kundi ang pagnanais na mapatanggal lamang sa isang posisyon ang isang tao.

Nanindigan din si Corona na sa simula pa lamang ng paglilitis ay puro hatred na ang kanyang nakikita at paghihiganti.

“Tama na ang pagkakawatak-watak sa ating bayan.”

“Ano ba ang kasalanan ko kay Pangulo? Ano ba ang kasalanan ko sa bayan? Malinis po ang aking konsensya. Malinis po ang konsensya ng aking pamilya. Wala kaming ginawang masama at wala kaming ginawang kawalanghiyaan sa gobyerno katulad ng ipinalalabas ng ilang sektor ng media.”

Sa huli ay idiniin ni Corona na ang lahat ng kayamanan ng kanyang pamilya ay galing sa kanilang pagsisikap at nakuha sa malinis na paraan.

 

 

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply