Anomalya sa It’s Showtime?

ISANG source ang nagparating sa amin tungkol sa hindi magandang karanasan ng kanyang ng pamilya sa pagsali nila sa It’s Showtime.

Ayon sa kanya, ‘di raw niya inisip maski kailan na siya pa mismong may showbiz connect ang magkakaroon ng mga kamag-anak na mabibiktima sa show.

Ibig ipahiwatig ng aming source na may anomalya sa isang pakontes ng show involving yung tinatawag nilang master.

Na ibig sabihin, tila may mga grupong kinikilingan yung sinasabing master kaya natalo ang mga kapamilya niya.

More or less ganito raw ang nangyari. Nag-auditon nga raw ang mga kapamilya nila sa isang pakontes na ang premyo ay P50k. Nakuha naman sila. Naiskledyul na mag-perform.

Pero araw ng performance, lagi raw nire-reject ang mga piyesa nila. Palitan raw at hindi puwede, ayon daw run sa master. So ilang beses na pinabalik-balik sila. Finally, rejected pa rin ang production number nila. So ayun, nag-propose daw yung master na siya na lang ang magbibigay ng piyesa. Pati mga costumes, in short, pangit na lumabas yung production number na itinuro sa kanila nung master, pangit pa’ng costume. So natalo sila.

“Napanood ko yung mga pinsan ko, parang hindi sila, below par yung performance, sa isip ko, bakit nagkaganun, bakit ang pangit ng performance nila?

“Hindi ko naman kinukuwestyon yung nanalo, deserving talaga sila, pero ang may duda ako, bakit pinalitan ang piyesa ng mga pinsan ko, nakadududa,” sabi pa nito.

To make a very long and tiring story short, tila ang sumagi sa isip ng kausap naman, at pati na dun sa tono ng mga kapamilya sa kuwento nito, tila tinimba sila. Kumbaga, sinigurong matatalo sila dahil pinaboran yung nanalo.

Ganun kaya?

Well, kung matatandaan, sa isang nootime show rin ng Kapamilya network nabulgar noon ang anomalya tungkol sa contest fixing. Tinitiyak nilang pinanalo ang ilang contestant at nakikihati sila sa premyo. In this case, fifty thousand is fifty thousand at puwede kayang napartihan yung master?

Nagtatanong lang po.

Puwedeng sagutin, puwedeng hindi!

Paging the producers of It’s Showtime!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply