Anti-Jay Walking Law mahigpit na ipatutupad sa school opening

MAHIGPIT na ipatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority ang Anti-Jay Walking law ngayong school opening (June 4).

Ani MMDA Chairman Francis Tolentino, ang hakbang ng ahensya ay para maiwasan ang aksidente sa mga estudyanteng hindi gumagamit ng flyover na nagdudulot din ng pagsisikip ng trapiko.

Ang MMDA ay nakipag-ugnayan na sa Department of Education (DepEd) para sa pagbibigay ng impormasyon sa mga estudyante kaugnay sa kahalagahan ng paggamit ng flyover.

Sa mga lalabag sa batas ay pagmumultahin ng P150 at kukunin ang ID.

Sakaling walang pang-multa, ang offender ay bibgyan ng 8 hours community service.

Samantala, magdaragdag din ang MMDA ng traffic enforcers na tutulong para maayos ang trapiko.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply