Antiporda, et.al, landslide sa NPC Elections-Survey

NANGUNA si Remate Publisher Benny Antiporda, tumatakbong presidente ng National Press Club,  kabilang ang kapartido sa Press Freedom Party sa ginanap na independent survey sa lahat ng beat sa Metro Manila na nakapagtala 85% ng boto mula sa 142 respondents.

Base sa survey na ipinakalap ng Press Freedom Party sa ilang independyenteng reporter sa bawat beat, natuklasan na umabot sa 84.73% ang over-all percentage ratings ng grupo ni Antiporda kumpara sa 15.27% ng kanilang kalaban mula sa anim na beat na kumakatawan sa 142 respondents.

Kinuha sa survey ang pulso ng botante sa Camanava Press Corps,  Central Police District beat, Senate beat, Manila Police Department beat, Eastern Police District beat, at South Police District beat.

Sa executive position, humakot si Antiporda,  bilang president,  ng 92.25% sa 142 respondents; Marlon Purificacion (vice president), 89.93%; Louie Logarta (secretary), 90.84%; Jerry S. Yap (treasurer), 91.54% at Rolando “Lakay” Gonzalo (auditor), 90.14%.

Nakalap din na nanguna sa posisyon bilang director sina Joel Egco, editor ng Manila Times; at Natz Taboy, kolumnista ng Hataw, na kapwa umani ng 83.09%.

Sumunod kina Egco at Taboy sina William Depasupil, Tina Maralit at Alvin Murcia, 82.39%; Arlie Calalo, 81.69%; Paul Gutierrez at Mina Navarro, 80.98%; at Ronniel de Guzman at Boying Abasola, 80.28%.

Natuklasan pa sa survey na solid ang boto ng grupo ni Antiporda sa limang beat at magkakaiba naman sa natirang isang beat.

Gaganapin ang halalan sa NPC sa Linggo, Mayo 6, 2012 mula 1 p.m. hanggang 5 p.m. at magkakaroon naman ng advance voting sa Biyernes, Mayo 4, mula 10:00 a.m. hanggang 5:00 p.m. Bago pormal na magbotohan sa Linggo, magkakaroon naman ng general assembly ng lahat ng miyembro sa Plaridel Hall mula 10:00 a.m. hanggang 12:00 ng tanghali.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply