Apology ni Harvey Keh tinanggap ng impeachment court

SINABI ngayon ni Senate Presiding Judge Juan Ponce Enrile ang kanilang desisyon na tanggapin ang paumanhin ng testigo ng depensa na si Harvey Keh na Kaya Natin Movement.

Noong nakaraang linggo, magugunitang nasermunan si Keh ng ilang senator-judge kabilang ang Senate President.

Pinagpapaliwanag din ni Enrile si Keh kung bakit hindi siya dapat na ma-site for contempt matapos na ideretso sa tanggapan ng Senate President ang ilang hindi beripikadong dokumento kaugnay sa mga umano’y ari-arian at bank accounts ni Chief Justice Renato Corona at nagsama pa ng mga miyembro ng media.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply