Aprubahan ang EO-366 at pagpondo sa TELOFF-DOST

NANANAWAGAN ang mga taga-Telecommunications Office of the Department of Science and Technology (TELOFF-DOST) kina Pangulong Noynoy Aquino at DBM Sec. Florencio Abad.

Ito ay may kinalaman  sa dagliang pag-apruba at pagpopondo sa Rationalization sa ilalim ng Executive Order 366 sa ilalim ni Sec. Mario Montejo at ICTO Chairman Louis Napoleon Casembre.

Idinaraing  ng mga taga-Telecommunication Office ng DOST na wala na silang ginagawa sa kanilang opisina.

Nahihiya na sila sa mga taxpayer na nagpapasahod sa kanila.

Nakokonsensiya na rin sila sa mga taxpayer dahil halos anim na taon na silang walang ginagawa sa kanilang opisina.

Kaya nanawagan ang mga empleyado ng TELOFF Metro Manila employees kina Pangulong Aquino at DBM Sec. Abad na maaprubahan ang kanilang panawagan.

O Mr. President Aquino at Sec. Abad, aba’y bago muna ninyo pakialaman ang problema na may kinalaman sa impeachment trial  ni CJ Renato Corona ay pakibigyan ninyo ng pansin ang panawagan.

MGA VK NILATAG NA NAMAN SA CALOOCAN

Largado na naman ang video-karera sa buong Caloocan City.

Isang police na nagnga-ngalang Allan Magkaisa at Erwin na kumpare  umano ni NCRPO Dir. Gen. Allan Purisima ang VK operator na nagpapatakbo ng sangkaterbang VK.

Ang barangays na nila-tagan ay ang Brgy. Proper at Brgy. Bagong Barrio  na sakop ang Brgys. 2, 8, 18, 21, 22, 28, 146, 147 at 150.

oOo

Pinasasalamatan natin itong sina PCSO GM Fernando Rojas at Joseph Muego sa mabilis na pag-tulong nila na mabigyan ng financial assistance mula sa tanggapan ng PCSO ang aking namayapa nang biyenan. Maraming salamat po!

Anomang reklamo o puna ay i-text lamang sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply