ARMM voters’ lists ibinasura na ng Senado

INAPRUBAHAN na ng dalawang komite ng Senado ang joint resolution na naglalayong lusawin ang lahat ng listahan ng botante sa Autonomous Region for Muslim Mindanao (ARMM) sa ginanap na pagdinig kanina.

Ayon kina Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on finance; at Sen. Koko Pimentel, chairman ng electoral reforms and people’s participation na aprubado kaagad sa dalawang komite ang Senate Joint Resolution No. 17 na naglalayong ibasura ang voters’ list sa ARMM.

Inaprubahan din ng komite ang suspensiyon ng rehistrasyon ng botante sa Visayas at ilang bahagi ng Mindanao.

“The Committee just approved Joint Resolution No. 17 which calls for the cancellation of the municipal voters’ list in all the municipalities in the ARMM and the suspension of the registration in Visayas and Mindanao and whatever areas that Comelec will find necessary; so the commitment is that by December 10, 2012, we will have a new voters’ list in the ARMM,” ayon kay Drilon sa panayam matapos ang pagdinig nitong Biyernes.

Sinabi pa ni Drilon na maaari pang maghain ng petisyon ang sinumang naapektuhan ng pagbasura sa Commission on Elections (Comelec) kung may basehan ang kanselasyon ng listahan at re-registration ng botante.

“The fact that they were not included in the resolution does not mean there is no remedy. The remedy is for the aggrieved party to file a petition in the Comelec on the specific municipalities where there are basis for the cancelation of their list of voters and re-registration of voters. But the resolution that the Committee just approved is only for the ARMM region. So, that is that is the distinction,” paliwanag ng mambabatas.

Tinukoy ni Drilon ang testimonya ng isang opisyal ng National Statistics Office na siyang pangunahing basehan sa kanselasyon na naglagay sa pagdududa sa katotohanan at integridad ng listahan ng botante kung pagbabasehan ang populasyon.

“The testimony was that the sketch map does not match with the satellite images. Ibig sabihin sa sketch map, may sinasabing may bahay rito, may bahay roon pagdating sa satellite image, wala yung mga bahay na yun,” aniya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply