Arum kabado sa laban ni Pacquiao

KINAKABAHAN si Bob Arum sa laban ni Manny Pacquiao kay Timothy Bradley sa welterweight title fight ng dalawa sa susunod na buwan.

Ayon kay Arum, nababahala siya sa biglang pagsuko ni Pacquiao sa Diyos kamakailan dahil posibleng makaapekto umano ito sa laban ng Pambansang Kamao sa June 9 sa MGM Grand.

“Bradley is a terrific fighter,” ayon kay Arum sa debut episode ng “The Fight Game with Jim Lampley” sa HBO. “He’s undefeated. He poses a tremendous challenge for Manny Pacquiao. And my problem is what Pacquiao are we going to see?

Sinabi ni Arum na nakapagtataka ang biglang pagiging super religious ni Pacquiao at gabi-gabi na lang ay Bibliya ang iniintindi nito.

“You have to understand, since the last fight last November, he has become a totally different person. He’s super religious. He does bible study every night,” ani Arum.

Idinagdag pa ng promoter na sa ginagawa ni Pacquiao ay iniisip na ng ilan na ang pino-promote niya ay si Rick Santorum at hindi ang Pinoy ring icon.

“Sometimes I get the impression that I’m promoting Rick Santorum, and not Manny Pacquiao. But be that as it may, who knows what effect it will have on his ring ability on June 9th?” tanong ni Arum.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply