Assistance fund ‘di na maibubulsa – PNoy

TAPOS na ang maliligayang araw ng mga tiwaling opisyal na ginagawang gatasan o milking cow ang international donors.

Binigyang diin ni Pangulong Benigno Aquino III sa pagpapatuloy ng 45th ADB Board of Governors’ Annual Meeting sa PICC, Pasay City na malabo nang mapunta sa bulsa ng ilan ang assistance fund mula sa foreign donors.

Kaya nga tiniyak nito na imposible nang maulit na mapunta sa wala ang mga suporta mula sa iba’t ibang multilateral agencies tulad ng Asian Development Bank (ADB).

Tinuran ng Punong Ehekutibo na tapos na ang panahon kung saan sa halip na nagagamit sa pagbabago ay kinakamkam ng mga tiwaling opisyal ang assistance fund mula sa international donors.

Sa kasalukuyan ay natakpan na ang leakages at direkta ng napupunta sa mga mahihirap at karapat-dapat na beneficiaries ang mga naturang financial aides.

Kaugnay nito, okey lang sa Malakanyang kung i-monitor ng ADB ang kanyang naging pahayag at alamin ang sitwasyon kumpara sa nakalipas na siyam na taong puno aniya ng katiwalian.

Sa ulat, kabilang sa nagawa na ng kanyang administrasyon ang pagkakaroon ng zero-based budgeting, paghabol sa tax evaders at pagkakaroon ng hustisya at accountability sa hanay ng gobyerno.

Patunay aniya rito ay ang epekto ng good governance na umabot sa  27 all-time highs sa stock market at pagbawi na sa aniya’y ‘national honor’ ng bansa.

Kumpiyansa rin ang Malakanyang na agad tutugunan ng Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang mga karaingan ng depositors ng nagsarang Export and Industry Bank.

Matatandaang isinailalim noong nakaraang linggo sa receivership ng PDIC ang nasabing commercial bank dahil sa pagkalugi.

Marami aniya ang nagrereklamong depositors dahil mabagal ang pagkilos ng PDIC kung saan ilang foreign retirees din ang apektado.

Ayon naman kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ipaparating nila sa PDIC ang nasabing reklamo para maaksyunan.

Sinabi ng opisyal na hands off na ang Malakanyang sa usaping ito dahil nasa ilalim na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).

Batay sa report, nasa P60 million ang visa deposits ng nasa 80 retirees na apektado sa pagsasara ng Export and Industry Bank.

Kabilang dito ang mga Chinese, Koreans, Japanese, US, Indians at iba pang dayuhan na nagbabakasyon sa bansa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply