Ate Shawie ‘di na napipikong tawaging balyena!

WALA na nga talagang planong magpapayat pa (o, nahirapan lang talaga siyang mag-diet?) si Sharon Cuneta. Parang relax na siya sa pagiging mataba. Carry na niya ito at hindi na siya nahihiya.

Pero hindi kami pabor doon sa slant ng TV5 kung saan ang kanyang katabaan ay ginawang pralala para sa kanyang show na nagsimula kahapon, May 14.

Ginawa nilang komedyanteng host ang Megastar. Mabuti na lang at hindi napikon si Ate Shawie. N’ung araw, minsan may tumawag sa kanyang aparadoric beauty dinemanda niya.

Well, sanayan lang naman ‘yan. Nairita siya nung tanggihan siya ni Aga Muhlach na makasama sa isang pelikula dahil sa kanyang size pero nakapag-isip naman siya later on na wala palang mangyayari kung maiinis siya. Kaya ngayon, tawagin man siyang balyena ay oks na sa kanya. Mahirap kasing kontrahin ang katotohan. Hehehe!

Ang mahalaga naman dyan, ang kasariwaan at kagandahan ni Sharon ay nandyan pa rin. Korek!

***

Derek at Angelica hiwalay na talaga

INAMIN na ni Derek Ramsay sa kanyang Twitter account ang tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Angelica Panganiban. “Guys we truly appreciate all ur concerns. Even though Angel and I are no longer together we still have the utmost respect for one another,” sabi ng aktor. “There was no wasted time. I loved every minute we had together,” dagdag pa nito.

Aniya, wala namang third party. May inaayos lang daw silang hindi nasolusyunan kaya nauwi sa hiwalayan ang kanilang anim na taong relasyon.

Ganun?

***

ANG lakas ng sales ng album ng baguhang recording artist na si DK Valdez entitled ‘DK Valdez.. It’s All About Love’ na release ng BWB Records.

Base sa record,  nu’ng Abril 2 to 8 ay  nanguna siya sa Astrovision/Astroplus top-sellings album, mapa-OPM at foreign. Kinabog niya ang benta ng album nina Angeline Quinto, David Archuleta, Lea Salonga, Basil Valdez, Christian Bautista, Bamboo atbp.

Nag-number 2 naman siya sa sales nu’ng April 30-May 6 na kung saan album ni Xian Lim na ang nanguna.

Pinupuri ang boses ni Dk. Hitsurang anak ni Basil Valdez sa lamig at nakaka-in love na boses.

Makabagbag damdamin ang carrier single niyang “Tatanggapin Pa Ba kita?’

“Ginawa ko yun sa Thailand, madaling araw. Habang kino-compose ko ay ‘di ko napigilan ang pagtulo ng luha ko. Girlfriend ko siya sa Pinas na bumabalik sa akin after na makipag-boyfriend sa iba nu’ng magtrabaho ako sa abroad,” kwento niya.

Homebase siya sa Thailand na kung saan ay kumakanta sa mga hotels at bars. Tuwing September hanggang December ay umiikot siya sa Europe para mag-show na kung saan ay may 150 orchestra siya at 200 choir na back-up. Tatlong taon na niya itong ginagawa sa tulong ng isang German na nagngangalang Maestro Win Siegfried Pentek.

Bumalik siya sa Pilipinas para mag-recording at tuparin ang kanyang pangarap na magkaroon ng solo album sa ating bansa.

Napapaloob sa album ni DK ang mga kantang ‘Just To Make You Stay,’ ‘Tatanggapin Pa Ba Kita,’ ‘Just Face Our Love Again,’ ‘Kahit Ano’ng Sabihin,’ ‘Akalain Ko Ba?’ ‘I’ll Be Right There For You. ‘Singsing,’ ‘My Love Will See You Through,’ ‘Laging Babalikan’ at ‘Walang Ibang Mahal’.

Ni-revive ni DK ang kanta ni Toni Gonzaga na ‘Akalain Ko Ba’ na composed ni Boy Christopher na siya ring album producer. Ganoon din ang ‘My Love Will See You Through’  na kanta ni Marco Sison.

Magpe-perform ulit sa Europe si DK at pagbalik niya sa Pinas ay gusto niyang magkaroon siya ng solo concert. Dream niya na makasama sina Sarah Geronimo at Angeline Quinto.

Bigyan natin ng daan sa industriya ng musika si DK Valdez.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming Facebook account, i-type lamang ang aming pangalan.

Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply