ATM cardholder ng PSBank inungas

MISYON AKSYON, nababasa ko ang inyong malawak na kolum dito sa Middle East. Kasi po nagkaroon ako ng problema ukol sa aking ATM card na international. Nag-open account ako sa Bahrain Mosque Bank para sa aking pag-uwi  ng Pilipinas, may magamit ako kahit saang banko sa ating bansa.

Ganito po ang pangyayari. April 23, 2012, nag-shop po ako sa SM Fairview ng grocery. Katunayan po umabot sa mahigit sa 3 libong piso ng iba’t ibang item ang pinamili ko pero tinanggap ang aking ATM Card.

Pero sa araw ng Sabado, nang mag-withdraw ako sa PSBank Fairview branch, laking gulat ko nang  kainin ito ng  ATM Machine ang ATM card ko.

Kaya agad akong nagtanong sa guard na naka-duty at sinabihan ako na mag-report ako sa PSBank.

Kaya noong araw po ng Lunes, kaagad kong ipinaalam sa Management ng PSBank ang pangyayari.   Pero laking gulat ko nang pinagturu-turuan ako ng mga empleyado.

Katunayan hanggang sa Main Office sa Makati, nakausap ko nga ang taga-PSB na nagngangalang David pero wala pong nangyari.

Ang sabi po sa akin, iligal daw po ang paggamit ng ATM. Pero ang tanong: bakit naging iligal ang transaksyon ko samantalang ligal naman ang aking ATM card?

Katunayan nga, sa Bahrain Mosque Bank ko idineposit ang aking pera para sa ganoon ay hindi magka-problema pagdating  sa  withdrawal. Pero may problema pala.

Hindi naman kasi nila maipaliwanag kung bakit iligal ang naging transaksyon ko.

Umabot nga po sa isang linggo nang walang nangyari sa aking reklamo kaya minabuti
ko nang idulog ito sa inyo.

Ang isa ko pong katanungan, saan po ba dapat ireklamo ang ganitong pangyayari? Kasi kung may problema ang aking ATM card dapat ipinaliwanag kung ano ang aking violation. Kasi ang mister ko nakapagwi-withdraw naman dati sa PSBank. Kaya ang laking pagtataka ko ngayon dito.

Umaasa po ako na inyong  mapapayuhan sa naging karanasan ko sa PSbank. Akala ko pa naman  maaasahan. Iyon pala pangit ang kanilang serbisyo sa publiko.

Gumagalang,
Ms. Gloria Torres

Kay  Mrs  Gloria Torres. Madam maari po kayong  maghain ng reklamo sa Banko Central ng Pilipinas kasi sila po ang may hurisdiksyon sa inyong problema.

Unang- una  dapat ipianalam sa inyo kung ano talaga ang naging violation hindi iyong kung saan-saan ka itinuturo ng Management ng PSBank. Dapat inalam muna nila at ipinaliwanag kung may problema ang inyong  banko. Kasi ang pagkakaalam ko po, tatlo lamang na  bangko ang accredited na siyang may karapatan pagdating sa usapin sa bangko.

Paging  PS Bank Management, Sir/Madam, kayo ay isang bankong pinagkatitiwalaan pagdating sa banko ng publiko. Bakit ang isang OFW na may transakyon  ay pinagtuturu-turuan ninyo?

Simple lamang po ang naging problema. Na-capture ang kaniyang ATM Card  pero inabot na ng isang lingo wala pa pong nangyari. Wala po kayong kongkretong paliwanag para malaman  ng isang OFW ang kaniyang problema at kung may problema dapat pinaaalam ninyo sa kaniyang banko para  hindi naman mag mukhang tanga, kayo  po ang nakakaalam ng mga polisiya ng banko.

Pag ganyan po ang inyong sistema baka mawalan ng tiwala ang inyong mga depositor.

Kaya umaasa po ako na inyong bibigyan ng agarang aksyon ang  naging karanasan ng isang  kababayan na  OFW.

Bukas  po ang aking kolum para  sa inyong  panig at  kapaliwagan.

Sa Lahat  po  nag  sipagtapos ng Cabiao High school  Batch 75th mayro  po kayong Alumni homecoming  for  37th Anniverssary na idaraos  sa  Cabiao high School ground sa  May  19, 2012 ganap na ika  10:00 ng Umaga Mula  po kay  Engr  Roger Crespo.

NOTE: PROBLEMA SA SSS, GSIS, PAG-IBIG HOMEOWNERS AT IBA PA.
Cellphone Numbers: GLOBE-09165982736 SMART-09193628223

EMAIL ADDRESS: www.misyonaksyon@yahoo.com, www.tiradabalita.com,arnel_petil@yahoo.com, arnelpetil12@gmail.comathttp://misyonaksyon.blogspot.com

Sa mga texter at nagpapadala ng e-mail po sa inyong lingkod na nais huwag mailabas ang inyong buong pangalan kayo po ay maaaring gumamit ng “alyas” subalit kinakailangan pa rin ibigay ang inyong kumpletong pangalan at address.

Maaaring samahan pa rin po ninyo ng mga supporting documents na magpapatibay o makakatulong sa mga suliranin na ninyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply