Attn: Gen. Charles Calima ng IG-PNP

WALA raw takot at lantad ang mga pasugalan partikular na ang mga video-karera sa Southern Part ng Metro Manila kung saan ay mga pulis pa mismo ang ilan sa mga operator at nagbibigay  ng proteksyon.

Talamak ang VK sa Lunsod ng Taguig kung saan ay narito ang headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Bulag ba o sadyang nagbubulag-bulagan lang ang mga pulis ng Taguig, dahil kahit lantaran ang mga VK dito ay parang balewala lang sa kanila at dinadaan-daanan lang nila ang mga ito. Dahil ba sa pulis din ang may hawak at may-ari  nito?

Opo, mga taga-Taguig, ang mahigit  na 100  VK diyan ay pag-aari umano ng isang Sgt. Bebit Aguas, bukod pa roon sa mga naka-umbrella sa kanya.

Sinasabing matagal na raw itong operator ng VK diyan sa Taguig pero nakapagtatakang hindi ito magalaw ng mga awtoridad at hindi mapatigil lalo na ng NCRPO.

Gaano kaya kalakas kay NCRPO Chief, Gen. Alan Purisima itong si Sgt. Bebit Aguas at hindi niya kayang ipatigil at ipahuli ang mga VK nito? Nagtatanung lang po, Sir.

Isa pang talamak din ang mga VK ay ang Lunsod ng Las Piñas kung saan ay binibigyan naman ng proteksyon nitong sina Maj. Mailon at Capt. De Leon ang  mga VK operator na sina Felix at Brigitte.

Alam kaya ni Las Piñas Police Chief Supt. Romulo Sapitula, ang ginagawa ng kanyang mga tauhan?

Ibang klase naman itong si Toto Laczon, na operator ng Loting, Jueteng at EC-2, Bookies at maging video karera dyan sa may Evangelista sa Lunsod ng Makati dahil hindi pulis ang kanyang mga protektor kundi mga media kuno na ang ibig sabihin ay nag me-media mediahan  lang daw.

Makati Mayor Jun-Jun Binay at Makati City Police Chief Supt. Jaime Santos, mga sir, makasisira ito ng malaki sa magandang imahe ng Lunsod ng Makati.

Habang maaga pa ipatigil na ang mga iligal nitong si Toto Laczon.

Namamayagpag naman ang mga illegal na pasugan  nina Lyn at Boy Corvera alyas Boy C. Sa Lunsod ng Pasay at alam naman  ng mga taga Pasaya na hindi ito kayang matibag ng pulisya dahil halos puro illegal daw ang pinag kakakitaan ng mga pulis dito.

Kapatid naman ng Barangay Chairman ng Muntinlupa City na si Walter A., ang namamahala ng sakla dito, isang nag ngangalang Nancy ang sa Lotting at isang alyas Tatay Tomas naman ang sa Jueteng.

Attn. Gen. Charles Calima, ng Intelligence Group (IG) ng PNP, hindi ba may Presidential Directive sa inyo ang Malakanyang para pamunuan ang Task-Force Anti-illigal gambling?

Oh anu pa inaantay ninyo, sugpuin nyo na o ipatigil nyo na ang lahat ng sugalan sa ating bansa particular.

Para sa inyong mga comment , reaction at suggestion ay maaari lang pong mag txt sa 0915-5683000 at 09087230036 o  kaya ay  mag email sa lily_reyes13@yahoo.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply