Australian natagpuang patay sa hotel sa Makati

INIIMBESTIGAHAN ng mga awtoridad kung may foul play o sadyang nagpakamatay ang isang Australian national nang matagpuan itong wala ng buhay sa loob na tinutuluyan nitong silid sa isang five star hotel kahapon ng hatinggabi sa Makati City.

Dakong alas-12:10 ng hatinggabi nang buksan sa pamamagitan ng duplicate key ang tinutuluyang silid ng biktimang si Benjamin Mason, 35 sa room 921 sa ika-siyam na palapag ng Dusit Hotel sa kanto ng EDSA at Pasay Road makaraang hindi na siya sumasagot sa tawag at sa mga katok ng roomboy.

Sa pang-unang report na ipinadala ni Supt Jenny Tecson, hepe ng Public Information Office ng Southern Police Distirct (SPD), nakabalot ng plastic ang ulo ng biktima kaya’t posibleng nasawi siya dulot ng suffocation o hindi na makahinga.

Natagpuan naman ng pulisya sa tabi ng bangkay ng dayuhan ang isang liham ng pamamaalam bagama’t hindi muna inaalis ng mga imbestigador ang posibilidad na may naganap na foul play.(JAY Reyes)

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply