AUV tumagilid sa SLEX; 3 sugatan

SUGATAN ang tatlo katao makaraang tumagilid ang isang Asian utility vehicle (AUV) nang sumabog ang isang gulong nito sa southbound lane ng South Luzon Expressway (SLEX) bago mag-Sucat Exit sa Parañaque, kaninang 6:00 ng umaga.

Isinugod sa pagamutan ang mag-inang hindi nakuha ang pangalan at isang nakilala lamang sa alyas Bitoy.

Sa pahayag ni Emiliano Bora, drayber ng AUV, sumabog ang gulong sa kaliwang likuran ng dala niyang sasakyan kaya hindi niya ito nakontrol.

Nagdulot ng matinding trapik ang insidente sa lugar dahil halos isang oras na nakahambalang sa daan ang sasakyan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply