Awa ng senator-judges kay CJ wag abusuhin

UMAASA ang Malakanyang na hindi aabusuhin ng defense team ang awang ibinigay ng senator-judges sa kanilang kliyente na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ani Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, kailangang tupdin ng mga ito at magkaroon ng isang salita o palabra de honor na padaluhin ang kanilang kliyente na si Corona sa itinakdang araw ng impeachment court.

Sa ulat, itinakda na ng Senado sa Lunes, Mayo 28 ang oral argument sa impeachment case ni Corona.

Ito’y makaraang mabigo ang pagpapatuloy ng paglilitis sana kanina kay Corona kaya agad inatasan ni presiding judge Juan Ponce Enrile ang panig ng depensa na tapusin ang kanilang presentation of evidence sa Mayo 25.

Sinabi ng Senador na pagkatapos mailatag ng defense team ang kanilang mga ebidensiya ay kanila nang ibababa ang hatol.

Alinsunod sa rules, kailangan ng prosecution ng 16 na boto mula sa senator-judges para ma-convict ang nasasakdal sa alinman sa tatlong articles of impeachment na isinampa laban sa kanya.

Sa gagawing oral argument, binigyan naman ang panig ng depensa at prosecution ng tig-isang oras para sa opening at closing statements.

Nauna rito, tiniyak ng mga doktor sa ipinalabas na medical bulletin na maituturing na “high risk patient” na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.

Ayon sa mga doktor, nasa 48 hours monitoring ang kanilang gagawin sa punong mahistrado at hindi nila papayagang makadalo ito sa pagdinig ng impeachment court.

Iniulat ni Dr. Eugenio Ramos, senior vice president ng Medical City, masusing tinututukan ng mga doktor si Corona dahil sa posibleng heart attack.

Sumailalim na rin kasi ito sa dalawang heart bypass operation noong 1995 at dalawang bypass surgeries naman noong taong 2008.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply