Award-winning actress tesbun na naman!

ISANG award-winning actress ang natsismis sa Facebook na buntis na naman para sa ikalimang baby niya. Ilang beses nang nadapa sa pag-ibig ang actress na ito pero ayaw munang mag-concentrate sa kanyang career at sa kanyang mga anak.

Ilang beses nang nagkamali at binigyan ng chance, pero tila walang saysay sa kanya ito. Sana lang kaya siyang suportahan ngayon ng nakabuntis sa kanya.

-0o0-

May bagong show si Camille  Prats after ‘Munting Heredera’ pagkatapos ng three months na pahinga and getting over the death of her husband na si Anthony Linsangan. Ito’y ang ‘Luna Blanca’ ng GMA na ipalalabas ngayong Lunes, May 21,  bilang ina nina Jillian Ward (as Luna) at Mona Luise Rey (bilang Blanca).

Kumusta  na siya after na mabyuda kay Anthony noong September 23, 2011 dahil sa nasopharyngeal cancer sa edad lamang na 31 years old.

“Actually para po sa akin siguro now that I think about it, it comes with time. At tsaka nung ginagawa ko po yung Heredera, iyon yung pinakamabigat sa akin kasi roon sa Heredera nangyari lahat, e.

“At tsaka yung timeline ng Heredera starting from May na okay na sana siya biglang nagpagamot ulit hanggang sa June nag- birthday ako, nagbakasyon kami, July lumala yung sakit then August hindi na makalakad.

“So yung paglala nung sakit niya kasabay nung time na I was doing Heredera. Kaya  yung Heredera, yun para sa akin ha? will be the most memorable but at the same time the most heart- breaking show that I ever did.

“Kasi roon nangyari lahat yung nangyari sa asawa ko. At the same time nagtatrabaho ako.

“Pero ngayon masasabi ko po na getting better kasi mas natatanggap ko na, na wala na talaga, na hindi na talaga siya babalik.

“Kasi nung mga first few months talagang ang isip ko parang baka naman bumalik… may ganun e, in denial.

“Ngayon natatangap ko na, na hindi na talaga babalik.

“But there are days na pag naiisip ko, ang sakit talaga.”

“Umiiyak pa rin ako kasi yung minsan tatamaan ka na lang out of the blue. Like nagtu-toothbrush ka, ang ayus-ayos ng araw mo, ang saya-saya mo, tumatawa ka tapos bigla kang iiyak.

“Yung on the verge of a breakdown, parang ganung level.

“There was one incident na naliligo ako, normal, wala lang pakiramdam, ha? Biglang… umiyak na lang ako!

“Minsan nagtu-toothbrush ka, biglang iiyak ka.

“There was one time, I was at a party of my friend tapos medyo… gimik kasi yun, sa Opus, sige pumunta ako. “Pagdating ko run, sayaw-sayaw pa ako, enjoy. Biglang… umiyak na naman ako, breakdown,” kuwento niya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply