Away ng 2 ginang dahil sa tsismis, 1 ang todas

TARGET ngayon ng manhunt operation ng mga tauhan ng Manila Police District ang 55-anyos na ginang na sumaksak at nakapatay sa kanyang kapitbahay sa gitna ng kanilang pagtatalo sa Tondo, Manila kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Susana Alonzo y Malaay, 52-anyos, balo ng Bungad Isla Puting Bato, Tondo na agad binawian ng buhay bunga ng tama ng saksak mula sa suspek na si Clarita Pagaduan y Cordobita, 55.

Sa ulat na ipinarating ni Det. Francisco Mendoza kay P/Sr. Insp. Joselito de Ocampo, hepe ng MPD-Crime Against Persons Investigation Unit, dakong alas-8:10 ng umaga nang magtalo ang dalawang ginang sa harap ng isang tindahan sa kanilang lugar.

Pinag-ugatan umano ng pagtatalo ng dalawa ang nasagap na tsismis at nang kapwa hindi makapagpigil ay nagsabunutan ang mga ito. Nakadampot umano ng patalim si Pagaduan kaya bigla nitong sinaksak sa kaliwang pigi ang biktima saka tumakas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply