Away sa lupa: Mag-utol niratrat

DEAD on the spot ang isang lalaki habang malubhang nasugatan ang kanyang kapatid matapos pagbabarilin sa malawak na lupain na pinag-aawayan ng dalawang angkan sa General Santos sa ulat ng pulisya.

Sa report, dead on the spot si Alex Daya habang sugatan ang kapatid nitong si Sanny Daya.

Unang binaril ng mga armado na sakay ng Pajero si Sanny habang papunta sa isang staff house.

Habang ang kapatid nitong si Alex ay pauwi na sakay ng motorsiklo nang pagbabarilin din sa ulo.

Napag-alaman na marami na rin ang namamatay sa lungsod dahil sa away sa lupa.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply