Away sa rolbak sa pasahe

NAMUMUO ang panibagong away sa pagitan ng mga dyipni drayber, operator at Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Kaugnay ito ng pagmamadali umano ng LTFRB na irolbak ang pasahe mula sa minimum na P8.50 sa halagang wala pang katiyakan habang tinitipa natin ito.

May namumuong away dahil sa hirap ng mga dyipni drabyer at operator sa maraming lugar na hindi naman nararanasan ng iba.

oOo

Para sa mga walang problema sa mga ruta maliban sa mga kotong cop at iba pang ordinaryo na pabigat, madali para sa kanila ang magrolbak.

Pero sa  iba na bumibiyahe sa mga lugar na nagdoble, nagtriple at naging impiyerno ang trapik dahil sa mga proyekto ng gobyerno, iba ang inaasahan nila.

Gusto nilang manatili muna ang minimum na P8.50.

Por eksampol. Yung mga may rutang Meycauayan-Sta. Maria-Norzagaray sa Bulacan, yung isang oras nilang biyahe ay naging dalawa, tatlo, apat nang oras.

Kaya naman, yung dating nakararawn trip ng tatlo sa isang araw noon ay  isang araw na lamang.

Yung iba, basta tumigil na lang dahil sa wala nang pambawndari, wala pang pang-disel at pampamilya.

Sinira kasi, Suki, ang     ilang tulay at maraming kalsada sa lugar na mga ito kaya naman naghahalo na ang balat sa tinalupan.

Lugi na, gutom pa ang inaabot ng lahat ng mga drayber at opereytor ng mga dyipni.

At ang masakit, magiging normal lang umano ang biyahe rito sa buwan ng Hulyo 2012.

oOo

Dahil dito, hindi dapat na parang shatgan sa pagdedesisyon ang LTFRB.

Dapat nitong pag-aralan ang mga lugar na pupuwedeng iaplay ang rolbak sa pasahe.

Dahil kung hindi nito gagawin ito, masasabi na talagang pahirap talaga ang pamahalaan.

O kayo riyan sa LTFRB, hindi masama na keys to keys basis ang desisyon niyo.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply