Ayaw mag-drugs, syota nilunod ng BF

PATAY ang 29-anyos na dalaga nang lunurin ng kanyang nobyo matapos tumangging tumira ng marijuana sa Alas-as, Madalag, Aklan.

Kinilala ang biktima na si Aileen Nabiong, habang nadakip naman ang suspek na si Jiro Salem, 20, ng Brgy. Pudiot, Tangalan, nasabing lalawigan.

Sa imbestigasyon, naligo sa ilog ang magkasintahan kasama ang iba pang kaibigan nang basta na lang nagtalo ang dalawa.

Nagalit umano ang suspek nang tumanggi ang babae na humithit ng marijuana.

Dahil dito, itinulak ng suspek ang biktima sa malalim na bahagi ng ilog na hindi pala marunong lumangoy at hinayaang maluno.

Nabatid na naging magkasintahan ang dalawa matapos magkakilala sa pamamagitan ng palitan ng mensahe sa cellphone.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply