Ayaw makipag sex, gurong bading sinaksak ang karelasyong guro

DUMULOG sa Philippine National Police – Women and Children Protection Desk ang isang bading na supervisor ng Department of Education (DepEd ) matapos siyang saksakin ng kanyang karelasyong guro na tumangging makipag sex at makipagbalikan na nauwi sa mainitang pagtatalo, ayon sa ulat ng pulisya sa General Santos City kahapon.

Base sa police report, nagtamo ng sugat sa kamay ang bading na DepEd supervisor sa lungsod na naki-usap na huwag ng ilantad ang kanyang pangalan matapos saksakin ng guro na karelasyon nito.

Sa pagsisiyasat ng Women’s and Children Complaint Desk ng GenSan police, lumalabas na ang nasabing supervisor ang siyang tumulong sa guro para makapagtrabaho sa isang paaralan hanggang sa magkarelasyon ang dalawa.

Subalit lumipas ang ilang panahon ay nagkaroon na ng tunay na girlfriend ang suspek kaya umiwas na ito sa baklang supervisor na siyang ikinagalit ng huli.

Lumipat ng tirahan ang guro subalit nasundan ito at doon nangyari ang pananaksak matapos pilitin ng supervisor ang guro na sila ay magtalik.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply