Ayuda sa mga banana grower malalaman sa Lunes

SA LUNES, Mayo 28 malalaman ang ibibigay na ayuda ng gobyerno para sa mga banana grower ng bansa.

Ang assistance package ay ibibigay ng gobyerno makaraang maghigpit at harangin ng China ang mga export na saging mula sa Pilipinas dahil sa umano’y pagiging kontaminado ng insekto.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na isinasapinal na ang nabanggit na insentibo para makahanap ng ibang market ang banana grower maliban sa China.

Ayon kay Lacierda, 30 porsiyento lamang ng banana export ang mapupunta sa China kaya’t maaari pang hanapan ng ibang merkado ang natitirang 70 porsiyento.

Nauna rito ipinahayag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala na bagamat matatagalan pa maaaring dalhin ang mga saging ng bansa sa Gitnang Silangan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply