Azucarera de Tarlac di isasara

IPINAHAYAG ng pamunuan ng Central Azucarera de Tarlac sa Hacienda Luisita na wala silang balak na isara o ibenta ang sugar milling company.

Ani HLI spokesperon Atty. Tony Ligon, sa katunayan ay handa pa nga silang bilhin ang mga produkto ng manggagawang-bukid, sakaling ipagpatuloy nila ang pagtatanim ng tubo.

Matatandaan na nauna nang pinagtibay ng Supreme Court ang pamamahagi ng mahigit 4,900 ektaryang sugar estate sa halos 6,296 registered farm worker-beneficiaries sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Law.

Ayon pa sa abogado ng HLI, malaking tulong sa kompanya ang mga pananim ng manggagawang-bukid.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply