B-Meg susubukan ang RoS

Mga laro bukas: (Smart Araneta Coliseum)

5:15 p.m. – Barako Bull vs. Powerade
7:30 p. m. – Rain or Shine vs. B-MEG

PAKAY ng B-Meg Llamados na pupugin ang unang panalo laban sa Rain or Shine Elasto Painters sa nagaganap na 2012 PBA Governors Cup sa Smart Araneta Coliseum bukas.

Unang laro pa lang ng Llamados habang pangalawang laro na ng Elasto Painters kung saan ay nagwagi sila sa opening laban sa Alaska Aces,107-100.

Maghaharap ang B-Meg at RoS sa alas-7:30 ng gabi pagkatapos ng Barako Bull kontra Powerade Tigers na maglalaro sa first game.

May kartang 0-1 win-loss slate ang Tigers nang matalo sila sa Petron Blaze Boosters, 83-97.

Nagwagi kagabi ang Barangay Ginebra at Meralco Bolts.

Tinungga ng Gin Kings ang Air21, 103-85 sa unang sultada at pagkatapos ay kinuryente ng Bolts ang Talk ‘N Text 105-99.

Nagtulong sina Mark ‘The Spark” Caguioa, import na si Cedric Bozeman at bagong player na si Allein Maliksi upang ilista ang unang panalo ng Kings.

Tumapos si Bozeman ng team-high 29 points at game-high 13 rebounds, 15 markers naman ang kinana ni Caguioa habang si Maliksi ay tumungga ng 13 pts.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply