Bad words na ‘di dapat matutunan ni beybi

PARANG kailan lang, walang alam sabihin si baby kundi “Ma, Pa, Dede,” at kung anu-ano pang simpleng salita.

Sa bilis ng takbo ng panahon ngayon, hindi mo namamalayan na lumalaki na ang iyong anak at kay dami nang natutuhang salita. Kung noon ay iyak lamang ang ginagamit niyang pakikipagkomunikasyon sa iyo, ngayon…bad words na!

Isa ito sa nakikita nating problema sa ngayon ng mga magulang lalo na silang ‘yung mga nagsisimula pa lamang magpalaki ng pamilya.

Iba-iba kasi ang pamamaraan ng pagpapalaki ng ibang magulang at hindi natin masisiguro na kapag hinayaan nating makasalamuha ang ating mga anak, may maganda itong maidudulot sa kanila.

Kaya mommies, bago pa man mataranta at mawindang sa mga salitang natututuhan ng inyong anak, narito ang ilang tips para mapaghandaan ang crucial stage na ito:

•    Pangalanan ang mga maseselang bahagi ng katawan na hindi magiging bastos sa pandinig ng iba—Hindi masamang imulat sila sa katotohanan dahil ayon sa pag-aaral, mainam matutuhan ng bata sa murang edad ang parte ng kanyang katawan upang hindi mabuo ang malisya habang siya’y lumalaki. Maiisip niyang normal lamang ito at ang lahat ng tao ay mayroon nito. Ipaunawa sa kanya na regalo ito ng Diyos sa ating nilikha Niya.

•    Bigyan din ng magandang termino ang mga toilet words o body products gaya ng (poop, pee etc.)—Umpisahan ninyong matatanda ang ganitong uri ng pagsasalita upang gayahin ng mga bata. Nasasabi niya ang mga bagay na ito nang hindi pangit o bastos sa pandinig ng iba.

•    Mga religious-related words gaya ng hell, damn etc)—Akala lamang ng ibang paslit ay expression nating matatanda ang mga bagay na ito. Tayo na mismo ang magmulat sa kanila kung ano nga ba ang ibig sabihin nito at masama ito para sa kanila.

•    Iwasan ding iparinig sa kanila ang mga sexually charge words gaya ng P. I, F. Y, at kung ano-ano pang ginagamit ng matatanda sa ngayon.

Kailangang alam ng magulang kung kailan sila dapat magtakda ng limitasyon kapag ang mga bata at natututo sa pagsasalita ng ‘di tamang lengguwahe.

Ayon sa mga dalubhasa, ang pinakakritikal na stage ng bata ay kapag tumuntong siya ng apat na taon pataas dahil ang mga bata ay hindi lamang nasa pre-school na pero maraming nakikilala at nakakalaro. Dito rin sa stage na ito ay naghahanap ng malaking atensiyon ang bata at nararamdamang kasali siya sa grupo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply