P250-K alahas ng amo tinangay, bading kulong

SWAK sa kulungan ang isang bading matapos na tangayin ang mga alahas ng amo ng nagkakahalaga ng P250,000 sa Caloocan City kagabi (Miyerkules, Mayo 9).

Nahaharap sa kasong qualified theft si Benjamin Tagulao, 36 ng Acab St., ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-7:00 kagabi nang tangayin ng suspek ang mga alahas ng amo na si Evelyn Montano, 40 sa Kabulusan ng lungsod.

Nakita ng hipag ng biktima ang ginawa ng suspek na naging dahilan upang isumbong kay Montano.

Humingi ng tulong sa mga pulis ang biktima na naging dahilan upang madakip ang suspek.

Nabawi sa suspek ang mga alahas na nagkakahalaga ng P105,000 habang hinahanap ang iba pa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply