Bading na ‘di nagbayad sa 3 ka-sex ninakawan

DAHIL hindi kumpleto ang ibinayad ng isang bading sa tatlong lalaki na kanyang pinakyaw para maka-sex orgy ay napilitan ang mga call boy na tangayin na lamang ang mamahaling cellular phone ng biktima sa General Santos City, sa ulat ng pulisya kanina.

Sa report, nagawa pang makapagsumbong ng hindi na pinangalanang bakla sa awtoridad ang hinggil sa pagtangay sa kanyang dalawang cellphone ng mga lalaking kanyang nakasiping ng sabay-sabay.

Kinilala ang mga inaresto na sina Ivan Amoquiz, ng Digos City; Rey Canillo at Celso Ching, kapwa ng Davao City.

Nakakulong na ang tatlong lalaki matapos kunin ang dalawang cellphone ng bading nang hindi sila binayaran sa kanilang serbisyo.

Lumalabas na nagkakilala ang bading at mga suspek sa isang mall at nagkasundo na pumunta ng lodging house.

Sinabi ng isa sa mga naaresto na gusto ng bading na sila ay mag-threesome at doon hindi na nagbayad kaya napilitan silang kunin ang dalawang cellphone nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply