Bading na magsusundalo, tanggap ng AFP

MARIING ipinahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na buong puso nilang tinatanggap at walang magaganap na
diskriminasyon sa mga bakla na nagnanais maging sundalo.

Ayon kay AFP spokesman Col. Arnulfo Burgos, ang importante ay magagampanan ng mga bading ang mga kinakailangang dokumento at
kwalipikado para sumabak sa tinatawag na “rigid military training.”

Ang pahayag ay ginawa ni Burgos makaraang sabihin ng Philippine National Police na bukas sila sa pag-recruit ng mga bakla sa kanilang
hanay.

Taon-taon, 6,000 sundalo ang nire-recruit ng militar.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply