Bagets naipit sa love triangle nagbigti

HINDI nakayanan ng 17-anyos na binatilyo ang lupit ng mapaglarong pag-ibig kaya nagpasya na lamang siyang wakasan ang buhay sa pamamagitan ng pagpapakamatay matapos maipit sa masalimuot na love triangle sa Bolinao, Pangasinan.

Ito ang anggulong nakikita ng mga imbestigador sa isinagawang pagpapakamatay ni Gilbert Tadespo, ng Barangay Longos, Paracparac, San Fabian.

Ang binatilyo ay natagpuang nakabigti sa loob ng warehouse na pag-aari ni Danny Bermudez, pinagtatrabahuan nito.

Sa pagsisiyasat, lumalabas na  problema sa pag-ibig ang dahilan sa pagpapakamatay ng biktima base sa isang text message na nabasa sa kanyang cellphone kung saan nasasangkot ito sa love triangle.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply