Bago matusta, 2 Pinay sa sunog sa Qatar nakatawag pa sa pamilya

BAGO pa matusta, nakatawag pa sa kanilang pamilya ang dalawang Pinay na namatay sa sunog sa Villagio Mall sa Qatar, ayon sa ulat ng “The National” kaninang umaga.

Sinabi ni Marilyn Evangelista, kaibigan ng dalawang namatay na biktima sa naturang news site na naipahatid pa ng dalawang titser sa kanilang kamag-anak ang kanilang sitwasyon bago sila tuluyang nilamon ng apoy.

Nakausap pa ng isang biktima ang kanyang tiyahin na malamang na hindi na siya makalalabas pa nang buhay sa nasusunog na gusali.

Isa naman sa namatay din na tister ang nakatawag sa kanyang mister at naipahatid na siya at kanyang mga estudyante ay na-trap at ang usok ay napakakapal.

Sa hiwalay na ulat ng Gulf News, iniutos na ng Qatar’s attorney-general ang pagdakip sa may-ari ng Villagio Mall na ikinamatay ng 19 turista nitong Lunes.

Ipinatawag din ng naturang attorney-general ang security director at hepe ng licensing department ng nasabing mall para kuwestiyunin.

Natuklasan sa inisyal na imbestigasyon na walang lisensya mula sa Social Affairs Ministry o ng Supreme Education Council ang day care center sa mall complex.

Sinabi naman ni Abdul Khaleq Al Huwairi, isa sa mga bombero na nakipagbuno sa apoy na hindi nila alam na mayroong isang day-care center sa naturang mall.

Sinabi ni Al Huwairi, bombero, na nakita niya ang sunog na bangkay ng kasama kasama niya si Husam Shahboun na may hawak-hawak na dalawang paslit sa kanyang bisig.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply