Ibinulgar ni Cristine: Bago naging BF si Rayver, Sarah nagdaan na sa iba’t ibang lalaki

HINDI umubra ang pa-effect ni Cristine Reyes sa kapatid na si Ara Mina. Hindi niya ito nadala sa paiyak-iyak at paghingi ng sorry sa text. Imbes na magpursige pa para mapaniwala ang kanyang ate sa kanyang paghingi ng tawad, biglang binalingan si Sarah Geronimo at inaaway na naman.

Tapos na ang isyu kina Rayver Cruz at Sarah pero ibinabalik na naman ni Cristine. Sa isang interview, nagbalik-tanaw ang hitad sa pang-aapi umanong ginawa ng Pop Princess sa kanyang papa Rayver na balitang hiwalay naman sila.

Ayon sa sexy actress, bago raw nagkaroon ng relasyon si Sarah kay Rayver ay na-inlove na ito sa iba’t ibang lalaki. Kaya nagtaka raw siya kung bakit ibinuhos ng dalaga ni Mommy Divine ang poot nito sa isang lalaki sa kanyang boyfriend (o, ex-bf?).

Parang pinalalabas ng malditang kapatid ni Ara Mina na bago naging ka-on ni Sarah ang binata ay nagdaan na ito sa maraming lalaki?

Anyway, idinagdag pa ni Cristine na tila walang puso ang magaling na singer dahil pinatatanggal nito ang papa n’ya sa ASAP gayong ito ang ibinubuhay ni Rayver sa kanyang pamilya.

Naku, ano ba ‘yan, inililihis lang ba ng dakdakerang aktres ang isyu sa kanila ng kanyang Ate Ara kaya si Sarah G. ang pinupuntirya n’ya ngayon?

***

Aktres sinigawan ng kapatid at pinalalayo sa BF na aktor

NAPUNDI na ang panganay na kapatid ng young actress na napanonood sa isang serye tuwing hapon kaya sinigaw-sigawan siya at pinahihinto na ang kanyang kabaliwan sa boyfriend na aktor na feeling super gwapo pero nakakalbo na. Nag-iiyak daw ang actress. At kahit masama ang kanyang loob ay pinilit daw nitong kalasan na ang bf na babaero.

Nakarating kasi sa dalaga at pati sa kanyang pamilya na nakipag-churvahan daw ito sa isang aktres.

Bagama’t todo deny ang mga ‘suspek’ (Hahahaha!), ayaw maniwala ng partido ng una dahil kilala na nila ang karakas ng aktor.

***

Nag-break ‘di naman naghiwalay

MAGKASAMA sina Jay-R at Krista Kleiner na umalis patungong Hawaii para sa GMA Pinoy TV event.

Masaya raw ang dalawa at wala namang napansing kaiba sa kanila. Kaya duda ang marami sa ibinabando nilang break na sila. May paligaw-ligaw pang nalalaman si Jay-R. Sorry na lang at hindi kinagat ang kanilang gimik.

***

Nikki nagsimula nang magwala

KINAIINISAN na naman si Nikki Gil dahil sa pagbabalik-kontrabida niya sa de-kalibreng Kapamilya Gold teleseryeng “Mundo Man ay Magunaw.”

Matapos itakwil nang kinikilala niyang lola na si Donya Alicia (Tessie Tomas), nagsimula nang magalit sa mundo at magpalamon sa lungkot si Jenny (Nikki). Hindi na lamang siya namumuhi sa inang si Olivia (Eula Valdes), kundi maging ang nag-iisang malapit niyang kaibigan na si Sheryl (Empress) ay itinataboy na niya.

Anong kayang gawin ni Jenny para muling kilalanin bilang isang La Peña? Paano niya tatanggapin na ang inaakala niya ngayong kapatid sa ama na si Sheryl, ay ang tunay na apo ni Donya Alicia?

Huwag palampasin ang lalo pang painit nang painit na mga eksena sa “Mundo Man ay Magunaw”, araw-araw, 2:30pm, pagkatapos ng “It’s Showtime.” Para sa karagdagang impormasyon, mag-log on sa www.abs-cbn.com, sundan ang @abscbndotcom sa Twitter o i-‘like’ ang Facebook fanpage ng show na http://www.facebook.com/mundomanaymagunaw.

***

Para sa inyong mga opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari  n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply