Bagong ARMM ramdam na

HINDI pa man lubusang naipatutupad ang ibang reform agenda na inihanda ni Gov. Mujiv Hataman para sa Autonomous Region in Muslim Mindanao mula nang iluklok siya sa puwesto ni Pangulong Benigno Aquino III, unti-unti na itong nararamdaman.

Una, bukod sa pagnanais ng karamihan sa mga senador at iba pang opisyal sa nasasakupan ng ARMM na magkaroon ng re-registration sa mga botante nila na siya ring isinusulong ni Hataman, ilan pa sa agenda ng gobernador ang nagkakalinaw na sa kanyang mamamayan.

Katulad na lamang ng pagkakaroon ng peace and security at socio-economic development sa nasabing lalawigan.

-000-

Una nang ipinatupad ni Hataman ang “no gun zone” partikular sa Regional Complex kung saan naroon ang tanggapan ng ARMM.

Tanggapin man o hindi, isa ang pag-aarmas ng sino-sino lang sa nagbibigay ng takot sa karamihan.

At ipinatupad ito ni Hataman bilang patunay na pursigido siyang disarmahan at ipatupad ang de-militarisasyon bilang pagsusulong sa kapayapaan at kaayusan sa ARMM. Kaya naman maipagmamalaki kong maaari nang mamasyal ang sinoman sa ARMM kahit walang bodyguard.

-000-

Pangalawa ang pagpapatupad ng re-registration sa mga botante na maliwanag na halimbawa na bukas na ang lahat ng residente sa ARMM para maranasan ang malinis at mapayapang halalan.

Kumbaga, maging sila ay nais na mabura ang taguri sa ARMM na lalawigan ng mga mandaraya.

-000-

At kapag ganito na ang sitwasyon, malinaw na ang kasunod nito ay mapayapang lalawigan.

Mawawala ang takot ng mga botante na ihalal ang talagang laman ng kanilang mga puso nang walang pag-aalinlangan na baka mabasura lang ang kanilang boto at hindi masama sa bilangan.

At kapag nailuklok na ang opisyal na talagang pinili ng taumbayan, dito na sisibol ang muling pagtitiwala sa pamahalaan na susundan naman ng unti-unti pang pag-unlad ng ARMM.

-000-

Pangatlo, kasama sa inilabas ng ARMM government ni Hataman ang kanyang agenda na pagsugpo sa korapsyon. Kaya naman sa kanyang ika-100 araw bilang gobernador ng ARMM ay agad niyang iniutos ang paglilinis sa ghost employees.

Ilang milyon din na matagal nang nawaldas ang ngayon ay nagagamit na sa mas kapaki-pakinabang na mga proyekto sa ARMM higit lalo sa edukasyon at proyektong pangkalusugan.

See? Political will lang talaga ang kailangan ng isang lider para maipatupad ang nais sa kanyang nasasakupan at yan ang sa tingin ko ay meron si Hataman.

Kung tutuusin, simpleng mga bagay pa lamang ang nasisimulan ni Hataman, pero higanteng impact naman ang dulot sa ARMM.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply