Bagong ARMM RLA kaakibat ng reporma

SINIMULAN ng mga itinalagang kasapi ng Regional Legislative Assembly (RLA) ang kanilang paninilbihan sa pamamagitan ng paghalal kay Atty. Rasul Mitmug Jr., kinatawan ng 1st district, Lanao del Sur, bilang speaker.

Ang posisyon ay itinuturing na pangatlong pinakamataas na opisyal sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Sa isang close-door na pagpupulong, ang mga mambabatas ay nagkaisang iboto rin si Assembly woman Dayang Carlsum Sangkula-Jumaide, kinatawan ng Tawi-Tawi, bilang Speaker Protempore. Samantala, nahalal na Majority Floorleader si Assemblyman Romeo Sema, ng 1st district, Maguindanao at Assistant Majority Floorleader si Assembly woman Irene Tillah ng 2nd district, Sulu. Si Assemblyman Khadafeh Mangudadatu ng 2nd district, Maguindanao, ay iniluklok naman bilang Minority Floorleader.

Si Speaker Rasul Mitmug Jr. ay anak ng babaeng nakasuot ng “burqa” (itim na kasuotan ng mga babaeng Muslim) na nakitang na-kikipagkamay kay Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong manumpa sa Malacañang ang mga mambabatas ng ARMM. Lumikha ng isyu ang nasabing pakikipagdaupang-palad

Kasunod nito ay paghahalal din ng mga sectoral representatives sa RLA gaya ni Assemblywoman Samira Gutoc-Tomawis, kinatawan ng mga kababaihan, Assemblyman Deonato Mokudef, kinatawan ng mga katutubo, at Assemblyman Yassir Pangadapun, kinatawan ng mga magsasaka. Ang pagkakatalaga sa kanila ni PNoy ay alinsunod sa Republic Act 9054.

Isang malaking hamon na tinanggap namin bilang mga mambabatas sa pamamahala ni PNoy nang simulang baklasin ang mga maling konsepto sa loob ng ARMM, pagbibigay diin ni Assemblywoman Samir Gutoc-Tomawis.

Puspusan ang paghahanda ng Department of Education- ARMM sa mga silid-aralan sa iba’t  ibang sulok ng rehiyon bilang tugon sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 13.

Ayon kay Secretary Jamar Kulayan, sinimulan nila ito sa pamamagitan ng paglulunsad ng Brigada Eskwela sa limang probinsya ng ARMM. Isinagawa din ang imbentaryo sa mga silid-aralan, dami ng guro at mga gamit-eskwela na taunang isinasagawa ng nasabing departamento.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply