Bagong CJ hindi dapat kaalyado ni PNoy

HINDI dapat kaalyado ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III ang susunod na magiging Chief Justice ng Korte Suprema.

Ito ang pananaw nina Jaro Archbishop Angel Lagdameo at Sorsogon Bishop Arturo Bastes kasunod nang paghahanap ng bagong punong mahistrado matapos na mapatalsik sa puwesto si Chief Justice Renato Corona.

Kasabay nito, iminungkahi ng mga obispo kay Pangulong Aquino na maging objective sa pagpili ng susunod na punong mahistrado.

Anila, dapat tiyakin ng Pangulo na ang susunod na magiging punong mahistrado ay walang bahid ng katiwalian, may paninindigan, competent at maka-Diyos.

Iginiit naman ni Lagdameo na kung ano ang prinsipyong ipinatupad nila sa pag-convict kay Corona ay siya ring prinsipyo na ipatupad sa magiging punong mahistrado ng Korte Suprema.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply