Bagong kasal, 48 iba pa nalason sa handaan sa La Union

TINATAYANG 50 katao kabilang na ang bagong kasal ang nalason sa isang handaan sa Barangay Upper San Agustin, Bauang, La Union.

Nabatid na nakaramdam umano sila ng pagkahilo, pagsusuka, pagdudumi, pananakit ng ulo at tiyan makaraang pagsaluhan ang iba’t ibang putaheng inihanda sa naturang kasalan.

Isinugod sa iba’t ibang ospital sa naturang lalawigan ang mga biktima na karamihan ay mga bata.

Samantala, humihingi naman ng paumanhin ang mga naghanda sa kasalan sa mga naging biktima ng pagkalason ng pagkain at iginiit na hindi nila kagustuhan ang naturang pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply