Bagong panganak na walang pambayad sa ospital, inabandona ang anak

DAHIL sa kawalan ng pambayad sa ospital, isang ina ang basta na lang tinakasan ang kanyang kaluluwal lamang na anak sa isang ospital sa General Santos, sa ulat ng pulisya.

Lumalabas na nasa dalawang buwan pa lamang ang anak ng tumakas na suspek na kinilalang si Anjie Cambarijan nang kanyang iwan dahil sa hindi mabayarang P74,000 na hospital bill sa Diagans hospital.

Lumalabas na Pebrero 13 nang ipasok sa nasabing pagamutan si Cambarijan matapos manganak subalit tumagal ng dalawang ang pananatili sa pagamutan dahil sa kawalan ng pambayad.

Napag-alaman na nakatakas ang suspek makaraang magpaalam sa admin ng pagamutan na uuwi muna para humanap ng pera pero hindi na binalikan ang kanyang anak.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply