Bagong silang na sanggol itinapon sa Manila Bay

HINALANG itinapon ang isang babaeng sanggol na natagpuang lulutang-lutang sa breakwater sa Manila Bay sa North Harbor, Tondo kaninang tanghali.

Inilarawan ang sanggol na halos wala pang isang buwan at walang lampin sa katawan.

Batay sa report ni Det. Jupiter Tajonera ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 12:05 ng tanghali, nakaparada ang ilang trak sa gilid ng kalsada at napansin ng mga drayber nito na tila mayroong palutang-lutang na laruan.

Nang kanilang tingnan ay isang sanggol ang nakalutang sa tubig kung kaya agad nila itong hinatak patungo sa gilid ng dagat at agad na ipinagbigay-alam sa security guard na si Rommel Saldana.

Agad namang itinawag ni Saldana sa pulisya ang natagpuang sanggol at sa inisyal na imbestigasyon ay wala umanong nakakita kung sino ang nagtapon sa sanggol sa dagat.

Dinala na ang sanggol sa Cruz Funeral Morgue para sa kanyang maayos na libing at sa masusing pagsisiyasat.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply