Bagong warship ng Pinas galing junkshop

NAGMUKHANG busabos ang hitsura ng warship na binili ng Pilipinas sa Amerika.

Ayon kay Rep.Rodolfo Albano, tinanggalan kasi ng mahahalagang kagamitan na tulad ng kanyon, close-in weapon system, air search radars at fire control system ang World War II vintage warship ng America na inilako sa atin.

Nauunawaan naman umano ni Albano na kakaunti ang badyet ng Pilipinas para rito ngunit hindi niya umano maunawaan kung bakit tinanggalan ng mahahalagang gamit ang barko.

Katanungan umano tuloy kung saan kukunin ang mga kagamitang tinanggal ng nagbenta.

Napag-alaman na nitong buwan lamang tumulak papuntang Amerika ang matataas na opisyal ng Armed Forces para hilingin sa kanilang mga counterpart na ‘wag naman tanggalin ang mga vital parts ng nasabing battleship subalit tinabla sila sa kanilang kahilingan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply