Bahay ng British diplomat nilooban

PWERSAHANG pinasok ng mga hinihinalang miyembro ng “Akyat Bahay Gang” ang tinutuluyang bahay ng isang British Diplomat sa Makati City kahapon (Mayo 23).

Ayon sa ulat, tiniyempuhan ng mga suspek ang pag-uwi ni Richard Edwards Karolyi, ng Tamarind St., Barangay Dasmarinas Village ng lungsod, sa United Kingdom.

Kasalukuyang iniimbestigahan pa ng pulisya ang tunay na pakay ng mga suspek na tumangay lamang ng isang laptop at P1,000 cash sa bahay ni banyaga gayung hinalughog ang lahat ng drawer at cabinet sa guest at master’s bedroom na tila may ibang hinahanap.

Si Karolyi ay tumatayo bilang director ng Asian Development Bank at kasalukuyang nasa United Kingdom nang puwersahang pasukin ang kanyang tirahan.

Natuklasan lamang ng kasambahay ng biktima na si Mary Laysico ang panloloob dakong ala-1:00 ng hapon subalit nai-report niya ito sa pulisya pasado alas-3:00 ng hapon.

Nabatid na winasak ng mga suspek ang likurang pinto ng bahay ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply