Bahay ng huwes pinasabugan

PINALIBUTAN kaagad ng mga tauhan ng Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines ang ang bahay ng isang huwes sa Ipil, Zamboanga Sibugay matapos na pasabugan ng improvised explosive device.

Agad na nagtalaga ng mga operatiba ng PNP at mga tauhan ang 102nd Brigade ng Philippine Army sa paligid ng bahay ni provincial prosecutor Atty. Jeric Salarde Cagaoan.

Kasunod ito ng naganap na pagsabog  sa bahay ng hukom sa may Purok Jerusalem, Barangay Don Andres, Ipil, Zamboanga Sibugay, bandang alas-7:40  kamakalawa ng gabi.

Base sa report ng Zamboanga Sibugay police provincial office, masuwerte namang walang nasaktan o nasugatan sa pamilya Salarde at tanging ang ilang mga bagay lamang sa loob ng kanilang bakuran ang nasira.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng otoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan at  mga responsable sa insidente at ang motibo ng mga suspek.

Samantala, nagtalaga na ng mga PNP personnel at mga tauhan ang 102nd Brigade ng Philippine Army sa lugar ng insidente para bigyan ng seguridad ang lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply