Bahay sa 3 barangay natupok sa sunog

TINATAYANG mahigit isang daang kabahayan ang nilamon ng apoy sa sunog sa tatlong magkakalapit na barangay sa lungsod ng Tacloban, ayon sa inisyal na ulat na Bureau of Fire Prptection kahapon.
.
Sa report na ipinarating sa Camp Crame, hanggang kagabi (ngayon hapon) ay patuloy pa rin na inaapula ng mga pamatay sunog mula sa Tacloban BFP at mga fire volunteers mula sa mga kalapit bayan ang apoy na
gumapang sa tatlong mga barangay sa nabangit na lungsod .

Pinangangambahang umakyat sa  higit 100 mga kabahayan ang maapektuhan ng sunog sa iisang barangay pa lamang habang hirap na hirap ang mga bombero na apulahin ang apoy para hindi na ito kumalat pa sa mga kalapit na kabahayan.

SInisiyasat ngayon ng mga arson investighator ang sumbong na may isang malakas na pagsabog umano silang narinig bago mabilis na kumalat ang apoy sa mga katabing bayan.

Sinabi naman ng isang residente ng Brgy. 60-A, Old Road Sagkahan, na may narinig sila na sumabog sa kanilang kapitbahay.

Hindi pa makumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa lungsod kung ano ang pinagmulan ng nasabing sunog. Walang anumang gamit ang naisalba ng mga residente dahil biglaan ang pangyayari.

Samantala, kamakalawa ng gabi naman ay natupok ng buo ang ikalawang palapag ng isang commercial establishment sa Iloilo City na tumagal hanggang maghahatingabi nitong nakalipas na Sabado.

Nabatid na bandang alas 10:30 ng gabi ay nagulantang ang mga residente sa kalapit na Sentak Marketing Building na nasa De Leon Street, Iloilo City ng makita ang makapal na usok na lumalabas  sa
gusali.

Sinasabing nagsimula ang apoy sa second floor ng gusali na pag-aari ng isang Bryan Coo, Chinese national at mabilis itong kumalat hanggang sa ground floor.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply