Bahay sinilaban ng buntis

SA HALIP na magpasalamat sa mga mapagpalang kamay na kumupkop sa kanya, nagawa pa isang buntis na sunugin ang bahay ng matandang kanyang tinutuluyan sa Laoag City, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa report na ipina-abot sa Kampo Krame, kulungan ang kinasadlakan ngayon ni Amor, hindi niya tunay na pangalan, 25 anyos na anim na buwang buntis at kasalukuyang naninirahan sa Barangay 25 sa nasabing lungsod.

Sa impormasyong ibinahagi ni SPO1 Fernando Tangonan, may hawak ng kaso, nahaharap ngayon sa kasong arson ang naturang babae dahil sa tangkang pagsunog sa bahay na kanyang tinutuluyan .

Sinasabing gamit ang kanyang mga lumang damit na sinilaban ay muntik ng maabo ang tahanan ng matandang umaruga sa kanya bagamant hindi naman siya nito kaanu-ano.

Nabatid na bago ang tangkang panununog ay kinompronta ng anak ng matanda na galing abroad ang akusado dahil sa ginawang pagbebenta ng lahat ng mga kasangkapan sa kanilang tahanan ng nasa Hawaii pa ang kanilang ina.

Naapula naman agad ang sunog dahil agad nagresponde ang mga kapitbahay at ilang opisyal ng barangay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply