Baklang nanuba sa bayad kinatay ng katalik

PINATAY sa saksak  ng isang lalaki ang baklang nakatalik kaninang madaling sa Davao del Sur nang hindi umano  bayaran  ng biktima ang  kanyang serbisyo.

Nagtamo ng mahigit 15 saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Jerson Borja Lambangon, 40-anyos ng Rizal, Malalag, Calumpang City.

Nakatakas naman at ngayon ay tinutugis na ng Tambler PNP ang suspek  para panagutin sa krimen . Hindi pinangalan ng mga awtoridad ang suspek dahil sa isasagawang hot-pursuit operation.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas dos ng madaling araw sa loob mismo ng boarding house ng biktima.

Ayon kay  PO3 Omar Melicano ng Tambler PNP bago ang insidente ay malamang na pinasok ng suspek ang kuwarto ng biktima para yayain itong makipagtalik kapalit ng pera.

Pero nang mairaos na ang tawag ng laman, narinig ng mga  kapitbahay na nagtalo ang suspek at si Lambangon hanggang sa  marinig nilang humihingi ito ng tulong.

Nagmamalasakit, sinipa ng nga kapitbahay ang saradong pintuan ng biktima at nakita ang dalawang lalaki na nakahandusay sa sahig.

Pero nang dumami na ang nag-uusyosong tao, biglang tumayo ang isa sa nakadapa at tumakbo palayo sa bahay ng biktima.

Sa puntong ito, nadiskure ang  bangkay ni Lambangon na nas alalim ng kama.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply