Balak ibenta ang mansyon dahil sa rayuma! (Hahahahahaha!)

NAKATANGGAP kami ng kasagutan sa manager ni Derek Ramsay na si Joji Dingcong kung ano ang real score sa relasyon ngayon ng alaga niyang actor at si Angelica Panganiban.

“Cool off lang yata talaga. No update yet. I want to give muna Derek and Angel the privacy they deserve para they can resolve things in peace.”

‘Yun na!

o0o

KASUWERTE talaga ni Mommy Dionisia dahil nagkaroon siya ng anak na gaya ni Manny Pacquiao.

Imagine, Worth  P3 milyon na van ang advance gift raw nito sa kanya na kung isalarawan ni Mommy D ay parang eroplano raw.

Happy si Mommy D sa pagiging malapit sa Diyos ngayon ng anak niya.

Balita ring ibinebenta niya ang kanyang mansion dahil hirap daw siya sa pag-akyat-baba sa hagdanan.

Sa lumang bahay raw niya sa Gen San siya tumitira.

Talbog!

o0o

KASUWERTE ni Ella Cruz dahil nabigyan siya ng teleserye na siya ang bida pagkatapos ma-shelve ang Anna Liza. Ito ‘yung Aryana na magsisimaula na sa May 7. Big break ito sa batang aktres na naging FAMAS Best child actress nu’ng 2008.

Ayon kay Ella, iba raw si Aryana kumpara sa ibang sirena.

“Kinakabahan din po ako. Kasi ‘yong tungkol sa magiging feedback po [ng show].”

Naging matagumpay kasi ang naunang serye ng Dos tungkol sa sirena.

“Gusto ko rin po sanang mangyari na itong Aryana at masabi rin na isa sa mga successful mermaid series ng ABS. At saka lahat ng mga gumanap na sirena noon, may mga pangalan na po talaga.

“So, kinabahan talaga po ako no’ng time na yun na sinabi sa akin na magbibida ako sa Aryana,” aniya.

o0o

USAP-USAPAN ang ‘sex change’ ni BB Gandanghari. Sa isang panayam sa kanya ay nagsalita siya tungkol dito.

“As much as I want to comment pero I don’t want to comment kasi talaga it’s really very personal to me. Sana iwan niyo na sa akin iyon. Kung ano man ang kapirasong iyon, akin na lang iyon,” deklara niya.

Tungkol naman sa isyung hindi tanggap ni Robin Padilla ang pagiging Bb gandanghari niya, ito ang say niya.

“Hindi ako magpapakaplastik but I don’t want to comment any further but it really pains me. Nasasaktan ako. Sa akin kasi walang problema eh. As far as I can remember, I was talking to him until I realized na may problema pala,” he said.

“But, of course, kung magkakaroon ng panahon and kung magkikita kami, I’ll be the first one to talk to him. Wala na ang pride, kinakalimutan ko na ang pride na iyan. Ang nasa isip ko na lang sana maayos at magkaintindihan,” sey pa niya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply