Balang ginamit sa pagpatay kay ‘Alyas Bading’, tugma sa bala ng baril ni Ryan Dominguez

MAKARAANG magtugma ang bala ng baril na nakuha sa lugar ng krimen kung saan itinapon ang bangkay ni Alfred Mendiola, ‘alyas Bading’ at dalawa pang kasama nito sa bala ng baril na nakuha kay Ryan Dominguez, ay sasampahan na ng kasong murder ng pulisya ang nakababatang kapatid nina Roger at Raymond Dominguez, lider ng Dominguez Carnapping Group.

Mismong si Interior and Local Government (DILG) Secretary Jesse Robredo ang nagkumpirma na pareho ang basyo ng bala ng kalibre .45 na narekober malapit sa bangkay nina Mendiola, Mark Herrera at Eriberto Jumaquio sa baril na nakumpiska kay Ryan kamakailan sa isang pot session.

Sa oras aniya na makuha na nila ang opisyal na resulta ng pagsusuri ng Philippine National Police (PNP) Crime Laboratory, sasampahan na nila ng kasong tatlong bilang na murder  si Ryan.

Kamakailan ay nahuli ng pulisya si Ryan Dominguez habang nasa isang pot session kasama ang isa pa.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply