Balat-sibuyas na PR ng networks dapat nang patalsikin!

MATAGAL na kaming biktima ng mga balat-sibuyas na PR ng networks.
Pare-pareho na ‘yang mga PR ng GMA7 at ABS-CBN who are wielding power sa movie reporters who do their jobs. In effect itong mga PR managers na ito ang unang sanhi ng pagsikil sa press freedom sa entertainment world.

Kung bakit kasi may nasty habit silang pagalitan o kaya naman i-ban sa kanilang press conferences o anumang event ang mga reporter na nagsusulat nang hindi nila gusto.

Kumbaga, gusto nila, sasaludo, kakampi at sasambahin sila ng mga reporters at ang kanilang network ang kampihan.

We are not being invited sa dalawang networks na ito simply because we do not want to adhere sa kanilang spoon feeding na pagbibigay ng press releases. Taboo talaga sa kanila na magbigay ka ng negatibong komento at pag gi -nawa mo ito, wala ka na sa kanilang listahan. Iniisip siguro nilang sayang yung envelope na katiting ang ibinibigay nila sa mga uma-attend sa kanilang mga press conferences.

Yung ganyang practice breeds a type of corruption sa mga movie reporters natin. Pati yung mga matitinong writer talaga, in effect, nagiging oriented sa envelope na kanilang binibigay.

Yun, yan ang panakot nila, kapag nagsulat ka nang hindi nila gusto, di ka na nila iimbitahin.

Well and good, okey lang naman yun, at least kung hindi ka na kabilang sa kanilang tribu, di ka na nila pwedeng siilin at pigilin ang iyong karapatan.

Pero alam kaya nilang kasama sa trabaho nila bilang mga PR practioners na pakisamahan ang lahat ng press at higit sa lahat ay yung alam nilang kontra sa kanila? Na puwede nilang baligtarin ang sitwasyon by showing them na welcome pa rin sila? In effect, kapag naintindihan ng mga reporters na ito yung gusto nila, in the end, makabi-build sila ng trust sa kanila.

Instead of banning them, why don’t they welcome them to their presscons at gamitan ng PR tactics na swabe at makatao.

Hindi yung ino-ostracize nila ang mga ito, ibina-ban at di na pinatutuntong. Ang kawawang mga reporters, nagmimistulang outcast for simply adhering to their profession.

Of late, isang editor ang ban daw sa lahat ng presscon ng isang giant network dahil lang sa isang tanong na di nila nagustuhan.
Don’t they realize na hindi naman lahat ng mga ideya nila ay tatanggapin talaga ng lahat nang reporters hook, line and sinker?

With this bad practice, ayan tuloy, hati ang mga reporters natin. It is either maka-GMA sila o maka-ABS. Sa kagustuhan nilang makasipsip, ayun they devote whole of their time, their columns, sa mga networks na ito. Ang effect, they lose their identity as relevant writers.

Hindi lang kami ang biktima ng syndrome na ito, marami sila, especially, nga we know of several reporters na biktima nung Angel something sa GMA.

We say here na masama ang PR ng taong ito at hindi malayong isasang lalayo ang mga movie reporters sa kanilang networks dahil nga sa hindi magandang inaasal nila.

Heto pa ang isang masamang practice ng mga PR na ito. Kung minsan, they consult some groups within their circle. Ito yung mga execs na feeling powerful o may hawak ng inaakala nilang malaki nilang artista. Halimbawa, sa isang network, may grupo riyang pinapasadahan ang listahan ng mga invited at dini-delete ang lahat ng mga taong ayaw nila. Yung mga sipsip lang sa kanila ang ipinapasa nila sa listahan.

Alam kaya nilang very unhealthy yung ganoong gawi?

O baka naman sadyang this kind of PR would put a fight sa ilang reporters para makagimik sila. Oo nga naman, sa tuwing may bad press sa kanila, puwede silang sumagot. At yun na, pakikinabangan nila yung bad press sa kanila.

Hindi na namin iisa-isahin ang pangalan ng mga PR practitioners natin sa television, alam nila kung sino sila but we would like to commend some PR practitioners sa kasunod naming kolum in the spirit of fairness.  Kung may masamang damo kasi sa profession na ito, meron din namang matitinong worth emulating.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply