Balisacan bagong NEDA chief; Paderangga nagbitiw

INIHAYAG ng Malakanyang ang pagbibitiw sa puwesto ni National Economic Development Authority (NEDA) chief Cayetano Paderangga habang kumpirmado namang itinalaga ni Pangulong Benigno Aquino III si Dr. Arsenio Balisacan bilang kapalit sa nabakanteng puwesto.

Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, problema sa kalusugan kung bakit nag-resign si Paderangga na kung saan siya mismo ang humiling sa Pangulo na mapalitan na siya.

Dagdag pa ni Valte, wala siyang nalalaman kaugnay sa sinasabing pinagbitiw si Paderangga mula sa kanyang mahalagang posisyon sa economic team.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply