Banana growers sasanayin ng TESDA

MASUSING pinag-aaralan na ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang pagsasanay sa mga banana grower sa Southern Mindanao.

Ayon kay TESDA Director General Joel Villanueva, maaaring pagkakitaan ang mga overriped na saging na hindi tinatanggap ng China dahil puwede itong gawing agricultural feeds para pakinabangan sa ibang pamamaraan.

Sa ngayon, nangangalap na rin ng impormasyon ang TESDA para sa pag-develop ng bagong merkado para hindi naman masayang o mabulok ang mga saging at mapagkakitaan pa ito ng banana growers.

Matatandaang una nang sinabi ng mga banana grower sa Mindanao na buhat nang higpitan ng China ang pag-import noong Marso, umabot na sa P1.44 bilyon kita ang nawala sa mga magsasaging dahil sa mga nasayang na saging

Dahil dito, masyadong nangangamba ang presidente ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association (PBGEA) dahil hindi pinayagan ng Chinese authorities na maipasok sa kanilang bansa ang 1,500 containers ng Cavendish bananas na galing Pilipinas.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply